3/27/08

ang ex-veteran writer


Isa akong ex-veteran writer. Ex dahil hindi na ako nagsusulat ng kung anu-anong bagay ngaun. Kung dati bawat materyales e parang piece of cake lang...ngaun e kailangan ko ng mood para maging inspired at mag-flow ang creative juices ko..ngaun lng ata ako na-inspired kaya gumawa ako ng blog account (after so many years). di ko alam kung na-burnout o nagsawa.. ang alam ko creative pa rin naman ako pero choice kong wag na i-practice coz wla naman akong balak na pumasok sa showbiz...gusto ko sa modelling (hehehe)..ayoko n talagang ma-exploit.


ang dami kong journal noon para sa mga concept for a story na para sa play, tv, etc..producto ako ni ricky lee at don michael perez..sikat na pala sya...creative consultant na ata ng marimar sa gma ang teacher ko. dati sa click at calvento files ang raket nya. ako eto. unknown at striving pa rin sa mundo ng call center. actually, nagagamit ko naman ang creativity ko sa customer. sa paghandle ng issue at pagbitaw ng bad news sa kanila..hindi nila alam isa akong aral na scriptwriter bago ako pumasok sa call center industry. at more than 4 years na ako d2.. at successful ata ang pagiging agent ko..malaking tulong ang mga workshops na na-experience ko before.


iniisip ko nga kung bakit di nagsasawa si ricky lee, jun lana, don michael perez at senedy que sa kakasulat.. samantalang ako di man lng sumikat sa showbiz (sa school lng) e huminto sa pagsulat. maybe ayoko ng attention.. ayoko na ng stress. ayoko na sa mga eksenang dapat may revision sa script. gusto ko ng pribadong buhay malayo sa limelight. malayo sa mga nakakatakot na kritiko ng biz..

baka tanungin ako ni don michael perez (teacher ko sa writing workshop). bakit ako sumuko e wala pa akong na-achieve as a writer? sasagutin ko lang sya na meron naman kahit papaano..iisa-isahin ko po..

1. naging editor in chief po ako nung college. isang taon po ang term. nabago ko po ang sistema ng editorial content namin from hard political and student issues e napalitan ng satire at entertaining articles na tumatarget sa level ng kaisipan ng mga estudyante. pero sabi ng office of the student affairs.. hindi raw ako deserving sa post. i was a good manager but not an excellent writer. excellent? ano b dapat ang excellent writer? dapat b creative? e creative ako sobra. dapat b malalim? e hindi ako malalim coz pinupulsahan ko ang readers ko at napakavivid ng imagination ko (pacensya na). mas gusto ko na mag-entertain dahil mas nagiging interesado sila sa articles. kapag serious ang writeups nasa basura ang mga magazines. pero kapag simple nasa mga bags nila ang bawat issue namin. kumbaga sa pelikula, pang commercial ang panulat ko..hindi pang-critically acclaimed..e hindi naman ako naghangad na magpa-impress kapag nagsulat ako..gusto ko lang sumulat at may bumasa sa sinulat ako. ipakita ang reality, pwede ring itakas sila sa reyalidad, magbigay ng ideas at magbigay ng magandang impluwensiya (kung tatanggapin nila)..

2. ako po ang naging headriptwriter sa lahat ng productions, pageants, variety show sa school namin.


3. naging creative director po ako ng aming college theater group. nakagawa pa po ako ng mga experimental plays.. katunayan nga e nanalo pa ako as best director sa isang festival of the arts.


4. gumawa ako ng speech na inilaban ng school delegate namin sa isang inter university speech contest.. nanalo ito ng 1st place then 1st place rin sa regional level.



5. nagustuhan ang mga panulat ko during my internship sa NBC at Makati Mirror. sabi ng mga superiors ko may future daw ako sa newswriting.. ayoko naman maging journalist habambuhay.


6. naging advertising and promotions manager ako sa isang filipino owned retail empire. more than 2 years yun. at yung 2 years na yun ang pinakamahaba at pinakamahirap. i felt na-exploit lahat ng talents ko. halos matuyo creative juices ko dahil year-round ang advertising and promotional programs ng company. dinagdagan pa ng events so toxic na exploited pa!


eto ang usual routine ko..


8AM..everyday i'l check all the broadsheets and glossies para hanapin yung mga press releases na naipangako sa amin ng mga account executives, columnists, event partners, etc.. i'll collate those.. then tatawagan ko ang mga tao na di pa nagdedeliver ng PR..aba, malaking budget ang napupunta para sa PR..pinagsa-shopping cla, may GC, fine-dining, freebies, bday gift, xmas gift, xmas card, discount sa mga brands na hawak namin, cash gift etc. may logbook ako ng mga pinamigay at ipapamigay p lng na mga items para sa press. ganun kagastos ang pr. minsan nga kapg may special request..dapat pagbigyan dahil mas marami akong hihingiing pabor..katakot takot na pabor.


after calling the other media contacts.. punta na ako sa mga meetings ko with brand managers, brand assistants, suppliers ng tarp, posters and graphics, managers ng banda, EP ng mga morning and magazine shows from various TV networks, mga TV talents na dinadamitan namin, mga reportersat broadcasters na pinahihiram namin ng clothes, dahil di kami nawawalan ng events. manila to ortigas to makati to ortigas ulet then balik manila coz may meeting with boss at 2pm.laging 2pm ang meeting dahil sinusundo nya pa ang kanyang lovely daughter sa brent school.


sa meeting namin.. my boss will review the logbook of all sponsored items.para ma-check nya ang cost of expenses for the week. weekly ang budget namin for advertising. 20% ng gross income per month mula sa rental ng store spaces tapos it will be allocated for ad placements and the commisioned ad agency. may terms yun usually 6 months to 1 year, ang sponsorship usually may terms din kapag cash outlay pero GC ang lagi kong pang-deal (pero parang cash outlay coz we pay the brands and various stores after the GC's are redeemed. the remaining fund will go to PR. ubergastos.. aabutin kami ng 7-8 pm para sa ganitong discussions. puro budget revisions, discussion ng future events, review ng past events, and conceptualization of the next midnight madness sale..pati nga xmas sale e naipaplano na kahit summer pa lng. dapat daw dynamic at advance ako mag-isip! hay! yung 2 assistants ko. nasa ibang branch..kaya lahat ng tension na-absorb ko na kpg kasama ang mga bosses.



feeling ng boss ko ako ay isang wonder kid n pinalaki ng lipunan naging iskolar ng bayan upang magsilbi sa kanila (at taging sa kanila lamang). dinaig pa si meryl streep sa the devil wears prada. para kaming may relasyon..kahit after work..nagrereport p rin ako.. kahit nasa bahay na tatawagan pa rin ako. paggising sa umaga on call na agad..kaya nagkaroon ako ng hypertension at the age of 22. tangina nila! nasa ER ako nun panay tawag pa rin.. tinatanong kung wat time ako babalik sa opis. ang sinagot ko naman e after ko po makuha yung prescription from the doctor.. pa-slave efect din naman kasi ako e. naalala ko nga may launch kaming gagawin..we are about to launch a new branch and a billboard..di pa tapos ang billboard. aba ang boss ko walang pinauwing tao.. hindi uuwi kpg di naitayo ang billboard. e di lahat nag-amok pero sumunod parin.. awa ng diyos naitayo ang billborad the following day. umaga na rin ako umuwi..after ko matulog ng ilang oras balik ako sa event..ok na ang billboard. natuloy ang launching..ang saya..syemre dapat masaya e 3 milyon ang budget..after ng launch.. sabi ng boss..ok, tanggalin nyo na ulit ang tarpaulin..ayoko ng ayos medyo hindi nahatak..ipaulit nyo ulet. ako naman si slave yuppie..ok lng ng ok.. kahit gusto ng ihian ang face ng boss ko.. bullshit!


pero, may mga advantages din naman.. they sponsored my higher studies sa isang international business school. pero may 1 year bond yun ha. equivalent kasi ng annual income ko ang tuition e. ok lng. sabi ko sa sarili ko after this lipad na ako. user-friendly no? hindi kaya. after finishing that graduate program e hinihingan na ako ng himala. aba ayaw na gumastos ng mga boss ko. i should find ways coz i had incurred a degree that will help us hoard money. nakapagdeliver naman. nagamit naman ang degree na nakuha ko.. puro kaklase ko at members ng alumni ang mga sponsors. super networking ang strategy ko during my last year sa pesteng kumpanya. after a while lng yun coz nagresign na ako nung natapos na ang bond period.


aside sa schooling, i get to eat sa mga fine dining restos sa gb2, shangri la, etc. malaki ang representation allowance ko kaya't lakas ng loob kong manglibre ng clients. hehehee. worth it naman dahil lahat ng kontrata e pinirmahan nila pagkatapos kong i-shoulder ang mga kinain nila. tapos i'll give them GC or gifts na pwede nilang i-display sa sala nila.



i need to make sure that my brand and media partners will get the favor that they ask. pero mas mautak ako. kapg nag-place kami ng 1 radio or tv plug..package deal yun for me. they will sponsor the series of event my company is about to stage..syempre di na cla makatanggi. i've paid the food, i gave hthem tokens and gc, i have the contract with me..they got my point...i am bulding a mutually benefical business deal..at pang long-term..

may isang business writer sa inquirer at retail asia. may interview ako sa kanya about our company. na-late ako ng 45 minutes dahil na-extend ang previous meeting ko at nagpa-gas pa ang driver ko.. sa dome cafe sa makati med ang meeting. nagpadeliver ako ng mamahaling lampshade sa opis nya at zen fountain. flowers at sorry card.. after 2 days sya na ang pumunta sa opis ko at dun nya ako ininterview. let's talk about my damage control skills! hehehehe..sarap ng buhay kpg may ever-flowing funds..at hindi galing sa sariling bulsa..(yun lang)


lahat na ata ng parties napuntahan ko. san miguel big and small events, clothing brand launches, cosmetic launches, magazine launches, youngstar magazine and people asia events, NBC's joey 92.3 theme parties.. cla ang pinakabongga magpa-event.. kaya nga lagi rin akong event partner coz we share the same target market..at pagkakagastusan


gabi-gabi nasa gb2 and 3 ako para laging in the zone. dun kasi madalas makita ang mga brand leaders. bka makapagluto ng deal na beneficial for my company..pero syempre may kasama na rin leisure at fun away from my demanding and slave-driving bosses, that was 2002 to 2004. booming p lng ang party scene there. i was a regular of that old famous bar, icevodka, temple and kai..hindi pa high school crowd nun. di pa ganun kasikat si celine lopez. mas sikat pa nga sa kanya si bamba leelin at gp reyes ng sari-sari, ginggay joven ng youngstar at verns buckley ng cal carries..in demand pa nun si borgy manotoc at lagi nyang kabuntot si sarah meier..bianca araneta was the it girl then..at si donita rose ang reyna ng tv endorsements..

anyways, hapi ako sa call center job ko. minsan nagsasawa pero marerealized ko na mas ok ngaun kesa dating nasa advertising world ako. walang paperworks. walang deadlines. after my shift uwi na ako. and i dont need to build a special relationship na mahirap putulin sa aking boss ko. im hapi livin a simple and less toxic life. wala ng "i love the nightlife." wala ng revisions ng budget at concepts. wala ng billboard na kailangang i-mount at itiklop within 24 hours..wla na ang mga slave-driver kong bosses na walang ginawa kundi pagawin ako ng himala (literal)..











No comments:

Post a Comment