3/31/08
Si Ultimate Hunky Na Hearthrob Pa (HNHP)..at ang Sandwich Method of Flirting
3/29/08
sina joey at paz, si tiffany, maya at toni..
si joey. ang tandem ko sa mga events that my previous company has mounted. magaling at professional. he got a girlfriend in tow for 7 years and they had a daugthter. ayaw nya pakasal. pabor sya sa live in forever. he felt that change is infinite and kung darating ang time na magbago sya or magbago ang partner nya, madaling mag-move out sa love nest nila at mag-move on without any legal battle. sya ata ang isa sa nag-influence sa akin na maging allergic sa commitment at marriage. kahit anung pilit ng gf nya "say no to marriage" ang response ni joey. may trauma ata sa marriage coz he was a product of a broken home. he's committed to his work as an event specialist. kung si tim yap ang eventologist si joey naman ang reliable event manager for me and my bosses..dose-dosenang events ang pinagsamahan namin ni joey.big events..small events o simpleng promotional campaign e tandem kami.. dahil sa pagsasama namin, masasabi kong malaki ang effect nun sa perception ko about life, career at having a commitment (which i find less interesting as of now)..presently, wala na sila ng gf nya. the girl is living on her own. joey lives with his daughter and a yaya. totoo nga na dumating na ang time that both of them have changed and decided to take different paths. si joey opted to stay single and remained as one of the best event planners sa industry.. the ex-gf opted to find a man whom she will live happily ever after with a marriage contract. last time ko nakita si joey e 2007 pa pero malalim ang friendship namin. di nya alam na naging parang ako na sya pagdating sa perception tungkol sa heart matters. kung di ko kaya nakilala si joey, magiging live-in material pa rin b ako o future ideal partner? sabi ni joey, hindi naman sya katoliko at hindi sya isang babaeng nabuntis out of wedlock na pilit na gustong ipakasal ng ultra conservative Catholic family nito...e hindi sya ganun e. so walang reason para magpakasal. anu ba plano ni joey? ang huling usap namin e..mag-save for the future para sa kanyang retirement at sa kinabukasan ng daughter nya. hmmm, wla pa talagang balak mag-asawa ang tandem ko. live in forever at companionship lang ang only option nya just in case na ma-inlove ulet.
kung si joey ang tandem ko sa events..si paz naman ang fave account executive ko sa mundo ng magazines at broadsheets. medical practitioner turned account executive si paz. single ang status pero may boyfriend and a loved child. mistress sya ng pamilyadong bf. lagi nyang hinaing sa amin e pagod na raw sya sa ganitong setup pero kapag sya naman ang inuwian ng bf nya e nakakalimutan nya ang lahat ng hinaing nya tungkol sa relasyon nya rito. she feels that she deserves more though she always accepts the little time his bf can offer to her and to their child. alam nyang second priority lng sya. pero happy naman daw sya (minsan, dahil minsan lang sya uwian). pero madalas, she aspires for more coz she knows naman what she deserves in the first place. sabi nga ni paz when you love a person it doesn't matter kung kung gaano kahaba ang oras na ibinibigay sau ng mahal mo.. ang importante e nabibigyan ka pa rin ng konting panahon. sa konting panahon na naibibigay e winner na rin yun para sa isang mistress. bkit winner? dahil kung wla ng time for you ang tao, ang mistress na dating 2nd priority lng e magiging 3rd priority pa. loser na yun kung nagkataon. si paz pa naman e goal driven. career oriented at fighter. kung di nya makuha ang gusto lumalaban pa rin. at dahil she knows what she deserves, nakikipag-date pa rin sya sa iba. merong single, merong pamilyado, malakas talaga sya sa pamilyado (at lesbians). ayaw rin pakasal ni paz. ok sya sa companionship. cool sya sa idea na dapat may quality time (once in a while) sila ng partner nya kahit di pa sya ang uuwian nito. maybe she accepted the fact that she's not the marrying type. mid-30's na sya so slim na ang chance to meet a guy na single at willing magpakasal sa isang unwed mom with an ongoing relationship sa isang married man. the last time i heard about her, nasa dubai na sya with a new guy of her life. nag-move on na nga at na-realized nyang she could start a new life sa tamang way. good thing single si new bf. there's a big improvement on her decision making. pero wala pa rin syang plan to get married. live in pa rin ang favorable setup for her in dubai..
si tiffany e pretty girl. prudukto ng isang exclusive school for girls. she's my assistant sa previous work. we're very close. ma-appeal. back then, she had a bf for almost 5 years..at may ka-on din na lesbian at the same time for more than a year. bisex si tiffany. at ako lang ang nakakaalam sa opis since kami ang magka-eded. her ex bf wants to get married na coz he's stable financially at sobrang tagal na nila. however, she was not ready yet or maybe she was torn with her complex relationships. she didn't know kung cnu sa bf or gf ang matimbang. she was also dating other guys that she met sa mga events namin. iba si tiffany sa lahat. i was her partner in crimes of passion. i even joiend her to go out of town coz her lesbian lover wants to introduce her to the family. so gumawa kmi ng bogus na event. we made palabas to everyone that we attended an event organized by our media partner. nakalusot naman. 3 days yun. si tiffany and her lesbow lover e nagbond ng sobra. ako ang iskorer (hehehe) at naka-relax rin naman away from our demanding and slave-driver bosses. di nagtagal e nabuking din sya ng mom nya. pinag-overnight nya kasi si lesbow gf sa haws nila and they slept in her room. the following day, without their knowledge, tiffany's mom arrived unannounced after the mom went to church (one sunday moring), nahuli sila na kissing and hugging. ayun na-confront ang dalawa at dun na naputol ang same sex affair ng friend ko. presently, wla na cla ng bf nya for 5 years. yung former lesbow lover nya e nasa middle east na at camel na ata ang gustong ka-trip (hehehe). NEWS: tiffany just delivered a baby girl somewehere in south courtesy of her fling na eventually ay napakasalan sya. happy naman sya coz tahimik na raw ang buhay nya. pero she clarified na nagpapahinga lng sya at wait and see lng raw ako. hindi yun banta kundi reminder nya that she's still the same person i have known and learned to accept and to love.
si maya, ang tanging naiwan sa mga demanding kong bosses. naiwan namin sya ni tiffany dun. sya na ngaun ang go to girl ng kumpanya. she's handling the entire operations. big time! she deserves it. she's a loyal employee. 10 years and counting...hapi naman sya pero just recently gusto na nya makipaghiwalay sa husband nya for 5 months. irreconcilable differences raw. showbiz! wala daw cla quality time together. she claims, the guy always ingnores her and she feels that she is not his top priority. ganito si maya kapag may di nakuhang gusto, feeling nya ini-ignore sya. for her, break-up ang sagot para mai-communicate nya na the tampo she's hiding or the pain that she really can't express. minsan, nagkita kami for a merienda somewhere then we met his hubby afterwards (na tropa ko na rin). after dinner, hinatid na ako ni hubby malapit sa area ko. si hubby nag-vent. he claims, maya wants a separation but he does not agree with the girl's proposal. sabi ni hubby, heloves the girl so much at the reason why maya is asking for a separation is hindi pa sya over sa ex nyang gwapo pero silahista (raw!). the ex bf naman daw keeps on communicating to maya and in fairnness to her, honest naman sya kay hubby that her ex is trying to settle the unfinished business. the ex bf got married sa isang older woman na naka-based sa spain. bigtime na rin si ex bf pero mukha pa ring silahis. si ex bf ay super invite kay maya to visit spain and he's willing to sponsor her kung gusto nya mag-stay for good..eto raw ang rason kung bakit feeling ni guy e gusto syang hiwalayan ni maya..alam kong over na si maya. even maya has clarified the issue. friends n lng daw cla ni ex pero kung kailangan sya ni ex, she will make sure that nandun sya for the ex bf..tsk..tsk. kumplikado yun.and she agreed. though it was an unfinished business for the ex bf, kay maya, friends na lng tlga. well, good thing, si hubby opted to stick with her. according to him, he's commited to the marriage..si maya di ko pa nakausap ulet. at di pa naman sya nag-complain about her marriage last time i checked...
si toni naman ang pinakabubbly na production manager na nakilala at naging kaibigan ko sa TV industry. she started working in this TV network after graduating college from one of the top universities d2 sa metropolis. she got 2 kids from 2 different boyfriends of her. she doesn't believe in marriage. she's vocal about it and she values her freedom of choice and individuality. she doesn't believe in the power of marriage license. she aspires to become successful in her TV career pero never nyang naging dream ang maging ideal wife..(cguro beautiful partner at mom pwede pa). unfaithful rin si toni. kahit cla pa ni current bf e nakikipagdate pa rin sya. di naman daw bawal coz she's technically a single woman with 2 kids from 2 guys she never wishes to settle down with.she's very modern or shall i say very woman of the world.
eto ang motto nya: kung type nya at type sya go for gold sya. kung type nya at ayaw sya she'll settle for the silver. pero kapag ayaw na nya at gusto pa rin sya..tatansuin na nya ang partner at disappearing act ang final solution.
sila ang mga friends ko.complicated human beings kumpara sa iba. hindi sila perfect pero we jived so well. they taught me a lot. they have influenced my present outlook in life. ngayon ko lang napag-ugnay ang mga dahilan kung bakit ako ganito..dahil sila ang mga kaibigan ako.. at kami ay pwedeng ilagay sa iisang kategorya (non-commital society, marriage defficiency syndrome, major intimacy issues gang)..
3/27/08
the most happening places...then and now
i love to age
Mga tanong para kay GMA
ang ex-veteran writer
2. ako po ang naging headriptwriter sa lahat ng productions, pageants, variety show sa school namin.
3. naging creative director po ako ng aming college theater group. nakagawa pa po ako ng mga experimental plays.. katunayan nga e nanalo pa ako as best director sa isang festival of the arts.
4. gumawa ako ng speech na inilaban ng school delegate namin sa isang inter university speech contest.. nanalo ito ng 1st place then 1st place rin sa regional level.
5. nagustuhan ang mga panulat ko during my internship sa NBC at Makati Mirror. sabi ng mga superiors ko may future daw ako sa newswriting.. ayoko naman maging journalist habambuhay.
6. naging advertising and promotions manager ako sa isang filipino owned retail empire. more than 2 years yun. at yung 2 years na yun ang pinakamahaba at pinakamahirap. i felt na-exploit lahat ng talents ko. halos matuyo creative juices ko dahil year-round ang advertising and promotional programs ng company. dinagdagan pa ng events so toxic na exploited pa!
eto ang usual routine ko..
8AM..everyday i'l check all the broadsheets and glossies para hanapin yung mga press releases na naipangako sa amin ng mga account executives, columnists, event partners, etc.. i'll collate those.. then tatawagan ko ang mga tao na di pa nagdedeliver ng PR..aba, malaking budget ang napupunta para sa PR..pinagsa-shopping cla, may GC, fine-dining, freebies, bday gift, xmas gift, xmas card, discount sa mga brands na hawak namin, cash gift etc. may logbook ako ng mga pinamigay at ipapamigay p lng na mga items para sa press. ganun kagastos ang pr. minsan nga kapg may special request..dapat pagbigyan dahil mas marami akong hihingiing pabor..katakot takot na pabor.
after calling the other media contacts.. punta na ako sa mga meetings ko with brand managers, brand assistants, suppliers ng tarp, posters and graphics, managers ng banda, EP ng mga morning and magazine shows from various TV networks, mga TV talents na dinadamitan namin, mga reportersat broadcasters na pinahihiram namin ng clothes, dahil di kami nawawalan ng events. manila to ortigas to makati to ortigas ulet then balik manila coz may meeting with boss at 2pm.laging 2pm ang meeting dahil sinusundo nya pa ang kanyang lovely daughter sa brent school.
sa meeting namin.. my boss will review the logbook of all sponsored items.para ma-check nya ang cost of expenses for the week. weekly ang budget namin for advertising. 20% ng gross income per month mula sa rental ng store spaces tapos it will be allocated for ad placements and the commisioned ad agency. may terms yun usually 6 months to 1 year, ang sponsorship usually may terms din kapag cash outlay pero GC ang lagi kong pang-deal (pero parang cash outlay coz we pay the brands and various stores after the GC's are redeemed. the remaining fund will go to PR. ubergastos.. aabutin kami ng 7-8 pm para sa ganitong discussions. puro budget revisions, discussion ng future events, review ng past events, and conceptualization of the next midnight madness sale..pati nga xmas sale e naipaplano na kahit summer pa lng. dapat daw dynamic at advance ako mag-isip! hay! yung 2 assistants ko. nasa ibang branch..kaya lahat ng tension na-absorb ko na kpg kasama ang mga bosses.
feeling ng boss ko ako ay isang wonder kid n pinalaki ng lipunan naging iskolar ng bayan upang magsilbi sa kanila (at taging sa kanila lamang). dinaig pa si meryl streep sa the devil wears prada. para kaming may relasyon..kahit after work..nagrereport p rin ako.. kahit nasa bahay na tatawagan pa rin ako. paggising sa umaga on call na agad..kaya nagkaroon ako ng hypertension at the age of 22. tangina nila! nasa ER ako nun panay tawag pa rin.. tinatanong kung wat time ako babalik sa opis. ang sinagot ko naman e after ko po makuha yung prescription from the doctor.. pa-slave efect din naman kasi ako e. naalala ko nga may launch kaming gagawin..we are about to launch a new branch and a billboard..di pa tapos ang billboard. aba ang boss ko walang pinauwing tao.. hindi uuwi kpg di naitayo ang billboard. e di lahat nag-amok pero sumunod parin.. awa ng diyos naitayo ang billborad the following day. umaga na rin ako umuwi..after ko matulog ng ilang oras balik ako sa event..ok na ang billboard. natuloy ang launching..ang saya..syemre dapat masaya e 3 milyon ang budget..after ng launch.. sabi ng boss..ok, tanggalin nyo na ulit ang tarpaulin..ayoko ng ayos medyo hindi nahatak..ipaulit nyo ulet. ako naman si slave yuppie..ok lng ng ok.. kahit gusto ng ihian ang face ng boss ko.. bullshit!
pero, may mga advantages din naman.. they sponsored my higher studies sa isang international business school. pero may 1 year bond yun ha. equivalent kasi ng annual income ko ang tuition e. ok lng. sabi ko sa sarili ko after this lipad na ako. user-friendly no? hindi kaya. after finishing that graduate program e hinihingan na ako ng himala. aba ayaw na gumastos ng mga boss ko. i should find ways coz i had incurred a degree that will help us hoard money. nakapagdeliver naman. nagamit naman ang degree na nakuha ko.. puro kaklase ko at members ng alumni ang mga sponsors. super networking ang strategy ko during my last year sa pesteng kumpanya. after a while lng yun coz nagresign na ako nung natapos na ang bond period.
aside sa schooling, i get to eat sa mga fine dining restos sa gb2, shangri la, etc. malaki ang representation allowance ko kaya't lakas ng loob kong manglibre ng clients. hehehee. worth it naman dahil lahat ng kontrata e pinirmahan nila pagkatapos kong i-shoulder ang mga kinain nila. tapos i'll give them GC or gifts na pwede nilang i-display sa sala nila.
i need to make sure that my brand and media partners will get the favor that they ask. pero mas mautak ako. kapg nag-place kami ng 1 radio or tv plug..package deal yun for me. they will sponsor the series of event my company is about to stage..syempre di na cla makatanggi. i've paid the food, i gave hthem tokens and gc, i have the contract with me..they got my point...i am bulding a mutually benefical business deal..at pang long-term..
may isang business writer sa inquirer at retail asia. may interview ako sa kanya about our company. na-late ako ng 45 minutes dahil na-extend ang previous meeting ko at nagpa-gas pa ang driver ko.. sa dome cafe sa makati med ang meeting. nagpadeliver ako ng mamahaling lampshade sa opis nya at zen fountain. flowers at sorry card.. after 2 days sya na ang pumunta sa opis ko at dun nya ako ininterview. let's talk about my damage control skills! hehehehe..sarap ng buhay kpg may ever-flowing funds..at hindi galing sa sariling bulsa..(yun lang)
lahat na ata ng parties napuntahan ko. san miguel big and small events, clothing brand launches, cosmetic launches, magazine launches, youngstar magazine and people asia events, NBC's joey 92.3 theme parties.. cla ang pinakabongga magpa-event.. kaya nga lagi rin akong event partner coz we share the same target market..at pagkakagastusan
gabi-gabi nasa gb2 and 3 ako para laging in the zone. dun kasi madalas makita ang mga brand leaders. bka makapagluto ng deal na beneficial for my company..pero syempre may kasama na rin leisure at fun away from my demanding and slave-driving bosses, that was 2002 to 2004. booming p lng ang party scene there. i was a regular of that old famous bar, icevodka, temple and kai..hindi pa high school crowd nun. di pa ganun kasikat si celine lopez. mas sikat pa nga sa kanya si bamba leelin at gp reyes ng sari-sari, ginggay joven ng youngstar at verns buckley ng cal carries..in demand pa nun si borgy manotoc at lagi nyang kabuntot si sarah meier..bianca araneta was the it girl then..at si donita rose ang reyna ng tv endorsements..
anyways, hapi ako sa call center job ko. minsan nagsasawa pero marerealized ko na mas ok ngaun kesa dating nasa advertising world ako. walang paperworks. walang deadlines. after my shift uwi na ako. and i dont need to build a special relationship na mahirap putulin sa aking boss ko. im hapi livin a simple and less toxic life. wala ng "i love the nightlife." wala ng revisions ng budget at concepts. wala ng billboard na kailangang i-mount at itiklop within 24 hours..wla na ang mga slave-driver kong bosses na walang ginawa kundi pagawin ako ng himala (literal)..