sabi ko nga sa friendster account ko, im the ultimate lola's boy. nalimutan ko nga batiin sya last mother's day.. hindi kasi ako palabati. but i know alam nya kung gaano sya kahalaga sa akin. sya ang magulang ko. mas naniniwala ako sa kanya kesa sa parents ko. sya rin ang contact person in case of emergency at sole recipient ng mga insurances ko (life and accident)..
ang lola ko ang pinakamasungit na lola samantalang ako naman ang pinakamasungit na anak, kapatid, ka-opisina, kaibigan, batchmate, kapitbahay at acquaintance. hehehe. balanse lang kami.. pareho kaming kina-iilagan ng mga tao..
we jive well. wala kaming di pinalalampas na bagay. for us, kapag mali.. talagang mali.. kapag tama or may point, we give way..kapag ayaw namin, walang kalulugaran sa buhay namin ang isang tao or bagay..
im sure super sad sya kapg nasa abroad na ako.. well, i'll make bawi na lang by sending her a lot of perfumes, necklaces and pictures of mine..
she collects all my momentos kasi..certificates, medals, important documents, albums, etc..kaya nga sya ang pouint person kpg emergency at syempre sya rin ang recipient ko kung anu man ang extenuated circumstance na mangyari sa akin..
my lola's the best. ang dami nyang sacrifices for me. hind i ko kayang bumawi this time..i hope masimulan ko ng bumawi kahit d i pa nya i-require. it's payback time for me..
5/18/08
ang nanay ko at ang dammam city...
2am. katatapos ko lng makipag-usap sa nanay ko using YM. nasa china sya nag-wowork for over a year na. madalas e nalalaman ko n lng na nagpunta sya kahapon sa malaysia, sa nepal nung nakaraang linggo at sa singapore next week. jetsetter sya e.
executive secretary ang job nya. ang boss nya ay hindi chinese kundi isang south african na mukhang alumni ng chang kai shek..
bihira mangyari ang conversation na gaya nito. dahil madalas may cold war kami. the typical lola's boy na walang makasundo ni isang parent...
gusto na nya akong mag-abroad dahil wala na raw nangyari sa buhay ko d2. syempre di nya alam ang progreso ko as BPO slave. gusto n nya akong magpunta kahit saan basta wag lang ako maging stagnant d2. paano nya nalaman? stagnant lifestyle pwede pero career wise...ay stagnant nga..
ok lng naman ako d2. i earn every 15th and 30th of the month. tapos may incentive kpg nagpreform me. may 13th month..enough na rin sa isang single yuppie na super addict sa team manila products, tumawag sa friends instead of texting using my Globe plan, pure vanilla ng coffee bean at regular dining experience sa resto na trip naming kainan. hindi ako maluho....masyado.. medyo lang.
back to the overseas job thing, she wants me to be elsewhere. i just passed the final interview for an internal auditor for ISO post..kaya lng sa dammam city in saudi arabia.. medyo natakot ako e.. employer ko jordanian...mga subordinates ko pakistani and indians..hindi ako racist pero kailangan ko ng support group.. first time ko mag-isa at hindi pa mga pinoy kasama ko...and the smell.. may rhinitis kaya ako..
as per the HR Manager who interviewed me, i have nothing to worry about. i will be staying naman daw with some filipinos sa accomodation na-ipo-provide nila. ayaw nya akong isama sa mga subordiantes ko dahil neat freak daw ang pinoy..form of relief? hindi pa rin e.
ang daming naglalaro sa isip ko..bka ma-rape ako at mapilahan ng mga arabo, bka makulong ako dahil sa pagiging clumpsy ko, bka makabangga ko ang employers ko at mga kasama ko dahil nagmukha akong racist due to my rhinitis at marami pang iba..
bka di ko matagalan ang 3 years contract coz ma-mimiss ko ang coffee bean, ang malls at mga amoy malinis na filipino friends at relatives ko..til now wala pa me final decision.. bka next week final na coz magpapamedical na ako..
Subscribe to:
Posts (Atom)